Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni
Naaninag kita sa aking balintataw.
Namumutla
Nanghihina
Sinalo kita sa aking bisig
Tama na.
Tahan na.
Nandirito pa rin ako
Handang sumalo sa iyo.
Pagdilat ng aking mga mata
Hangin ang natagpuan sa aking mga bisig
Walang puknat ang pag-agos ng aking mga luha
Nabasag ang natitirang katinuan
Lumuha hanggang matuyo ang batis sa aking mga mata
Maghihintay sa iyong pagdapo
Hindi wawakasan ang kabaliwan
hmmm mukhang isang eksena sa isang pelikula kung saan ang bida at ang kanyang minamahal ay nagkitang muli ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari, ang minamahal ng bida ay biglang umalis muli at hindi alam kung kailan muli ang kanyang pagbabalik..
grabe maxado ka tlgang inspired ngayong mga panahon na itoh..hehehehe