Nagkatitigan. Matagal. Nakakatunaw.
Isang hiblang buhok na pagitan
Palitan ng hininga
Palitan ng mga lumilipad na mga kalapati sa mga utak
Hingang malalim
Walang puknat na pagtunaw sa isa’t-isa
Ang isa’y balong malalim
Walang hangganang kawalan
Madilim at mapangahas
Ang sa isa nama’y nagtanim ng galit
Mapula’t madugong ugat ng pagkamuhi
Tingin
Tingin
Sulyap pa ng kaunti
Nagsimula na
Ayan na
Ang aking matagal na pakikipagtalik sa kalawakan